Malakanyang, nangakong magbibigay ng update sa itinatakbo ng Maharlika Investment Fund
- Published on October 28, 2025
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang Malakanyang na magbibigay ito ng estado sa itinakbo ng Maharlika Investment Fund.
Nilagdaan bilang batas sa ilalim ng Republic Act No. 11954 ang Maharlika Investment Fund noong Hulyo 18, 2023 subalit naging operational lamang noong unang quarter ng 2024.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na handa silang maglabas ng update hinggil sa naging takb ng operasyon ng MIF kasama na ang mga negosasyon na pinasok nito.
Layon aniya nito na gamitin ang financial assets at ibang legal na instrumento para sa strategic investments na magpapalago sa pambansang ekonomiya, lalong-lalo na sa infrastructure at ibang priority sectors.
Pakay din nito na mag-generate ng maayos na returns, palawakin ang fiscal space ng bansa at paghahanap ng alternatibong pinansyal na mapagkukunan para sa mga malalaking proyekto. (Daris Jose)