• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinumpirma ang pagkakatalaga kay Atty. Lito Magno bilang NBI OIC

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Atty. Angelito “Lito” Magno bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni NBI director Jaime Santiago.

Ang bagay na ito ay inihayag mismo ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Summits sa Malaysia.

Isang veteran agent at abogado, tumaas ang ranggo ni Magno mula line agent na naging Deputy Director for Investigative Services.

Si Magno ay kilala sa kanyang expertise sa imbestigasyon, ICT, at law enforcement leadership.

Buwan ng Agosto, nagbitiw sa puwesto si Santiago, sinasabing “detractors and those who have sinister interest” sa kanyang posisyon ay “incessantly” gumawa ng hakbang para sirain ang kanyang reputasyon.

Sinabi ni Santiago na tinanggap na ni Pangulong Marcos ang kanyang irrevocable resignation. (Daris Jose)