Malacañang mas naka-focus sa El Niño, ASEAN kaysa survey
- Published on November 9, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAS nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na ASEAN Summit at problemang dulot ng super El Niño kaysa sa mga lumalabas na survey.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi naman pinag-uusapan sa Malacañang ang resulta ng mga survey na walang kinalaman sa pagpapatakbo sa gobyerno.
Ginawa ni Castro ang pahayag kasunod ng isang survey kung saan lumiit umano ang lamang ni Vice President Sara Duterte (40%) kay Naga City Mayor Leni Robredo (33%) para sa 2028 presidential match-up.
Idinagdag ni Castro na kasama sa binabantayan ng Malacañang ang patuloy na epekto ng krisis sa Middle East kaya hindi nagpo-focus sa survey kung sino man ang lamang at kung sino ang nauungusan.
Malayo pa aniya ang halalan kaya trabaho muna ang inaatupag ng Malacañang bago ang mga political survey.