• May 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 32,000 bagong teaching posts para sa SY 2026-2027, inaprubahan ng gobyerno

INAPRUBAHAN ng national government ang paglikha ng 32,916 bagong teaching positions para sa School Year 2026–2027 sa sinasabing bid na pagaanin ang masikip na silid-aralan at paghusayin ang teacher workloads sa mga pampublikong paaralan.

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na inaprubahan nito ang request ng Department of Education’s (DepEd) na palawigin ang teaching workforce nito sa lahat ng antas, Kindergarten hanggang Senior High School, kabilang na ang Alternative Learning System (ALS).

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang karagdagang posisyon ay naglalayong tugunan ang long-standing staffing gaps at paghusayin ang learner-to-teacher ratio sa public schools.

“These additional items are meant to give our schools the structural support they need and allow teachers to focus more on instruction,” ayon sa Kalihim, sabay sabing ang hakbang ay alinsunod sa direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iprayoridad ang kapakanan ng mga guro at kalidad ng edukasyon.

“Of the total approved posts, 32,047 are Teacher I positions,” ayon sa DepEd.

Kabilang sa alokasyon ang 369 Teacher III posts para sa Special Science Teachers at 500 Teacher IV positions para sa Special Needs Education (SNED), naglalayon na palakasin ang suporta sa mga mag-aaral na nangangailangan ng specialized instruction.

Ang mga bagong posisyon ay hahati-hatiin sa buong bansa, kasama ang Zamboanga Peninsula (Region IX) na makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon na 3,361 items.

Mayroong 1,467 Teacher I posts naman ang nakalaan para sa Schools Division ng Sulu, kung saan tinukoy ng DepEd bilang ‘critical instructional gaps.’

Sa kabilang dako, ang iba pang rehiyon na nakatanggap ng malaking alokasyon ay ang Central Luzon na may 2,722 positions, Calabarzon na may 2,644, Central Visayas na may 2,586, at Northern Mindanao na may 2,541.

Sa ilalim ng umiiral na polisiya, magpapalabas ang DBM regional offices ng Notices of Organization, Staffing, and Compensation Actions (NOSCAs) direkta sa Schools Division Offices para sa elementary, senior high school, at ALS teaching positions.

Para sa junior high school, magpapalabas ang NOSCAs ng implementing units.

Ang paglikha ng bagong teaching items comes ay bukod pa sa pagsisikap ng DepEd na paghusayin ang teacher career development sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) system, isang merit-based framework na ipinakilala sa ilalim ng Executive Order No. 174, s. 2022.

Samanatala, pinapayagan naman ng ECP system ang mga guro na tumaas ang ranggo at sahod habang nananatiling ginagampanan ang kanilang papel sa loob ng silid-aralan. (Daris Jose)