Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency
- Published on May 28, 2022
- by @peoplesbalita
UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency.
Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease na ito ay endemic.
Ang karamihan sa mga kaso na mayroong monkeypox ay sa mga kalalakihan at mga nagkaroon ng sexual intercourse sa kapwa lalaki.
Unang na-detect sa United Kingdom ang unusual appearance ng monkeypox sa unang bahagi ng Mayo na kasalukuyang mayroong mataas na kumpirmadong kaso na nasa 71.
Sinundan ito ng Spain na may 51 cases at Portugal na may 37 cases.
Sa labas naman ng Europa, nadetect din ang monkeypox virus sa Canada na may 15 kaso at Estados Unidos na may 9 cases.
Nagbabala naman ang ECDC na bagama’t mababa ang panganib na mahawa sa naturang sakit, nasa panganib ang mga taong mayroong multiple sexual partners.
Kasalukuyang endemic ngayon ang Monkeypox sa 11 bansa sa West at Central Africa.