Kumpleto ang mga anak, manugang at malalapit na kaibigan… Dakilang ina ni JUDY ANN na si Mommy CAROL, ipagdiwang ang 79th birthday
- Published on March 3, 2026
- by @peoplesbalita
PEBRERO 25 ang eksaktong kaarawan ni Mommy Carol Santos, ang dakilang ina ni Judy Ann Santos.
Pero ipinagdiwang niya ito nitong Marso 1 sa isang class at intimate birthday dinner sa sikat na restaurant ng pamosong si Chef Jessie Sincioco sa Makati.
Siyempre pa, kumpleto ang mga anak ni Mommy Carol sa espesyal na selebrasyon niya; si Judy Ann na bunsong anak, si Jack na pangalawa sa magkakapatid at ang panganay na si Jeffrey Santos.
Nasa dinner rin siyempre ang asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo at ang mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna, at ang parents ni Ryan na sina Daddy Chito at Mommy Nina Agoncillo.
Also present ay ang misis ni Jeffrey na si Ynna at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ni Ste Jack.
Dumalo siyempre ang team Judy Ann; sina Tippy Fernandez with husband Diong, si Ralph Mercado, Jeff Aromin, Nonong Geronaga, Carmi David at Anna Melissa Dasig minus mareng Mary Jane Buencamino na kasalukuyang nasa New Zealand.
Umawit para sa may kaarawan ang apo niyang si Yohan na habang kumakanta ng “Dancing Queen” ay nagsasayaw naman sina Juday at Ryan, at isinasayaw rin si mommy Carol ng apo niyang si Lucho.
Naghandog rin ng awitin ang mga music divas na sina Ivy Violan at Faith Cuneta.
Dumalo rin ang mga showbiz reporters na malapit kay Mommy Carol; ang inyong lingkod, ang entertainment editor ng People’s Balita na si Rohn Romulo, Anna Pingol, Reggee Bonoan, Kristina Orfiano, tita Aster Amoyo at Allan Diones.
Nasa party rin ang isa pang matalik na kaibigan ni mommy Carol, ang Presidente ng PTV 4 na si Ms. Malou Choa-Fagar, at sina Mother Biboy Arboleda, direktor Trina Dayrit, at gayundin ang bestfriend ni Mommy Carol na si Mommy Amy Pascual, ang ina ni Piolo Pascual, pati na rin ang mga Canada-based friends at 1964 school batchmates niya.
Hindi nakarating si Noel Ferrer, ang butihing manager ni Ryan dahil may meeting ito na hindi maiwan, at sina Martin Nievera at Joy Alonzo na kapwa nasa abroad.
Actually ay seventy-nine years old pa lamang si Mommy Carol pero dahil may isang kasabihan tungkol sa pagdiriwang ng edad na zero ang huli ay itinuring na 80 na siya this year.
Parte pa rin ng selebrasyon ni Mommy Carol ay ang upcoming trips niya sa Thailand at Vietnam.
Yes, sa edad niya ay malakas at masigla kaya can afford siya to travel abroad whenever and wherever she pleases.
Happy birthday, Mommy Carol! Mahal ka namin!
(ROMMEL L. GONZALES)