• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya iba-iba ang ginagamit ‘pag may bagong project: BARBIE, inaming nakatutulong ang pabango sa pag-atake sa karakter

MAKIKITA mo talaga ang kaseryosohan ni Barbie Forteza bilang isang aktres.

Nagulat kami na naisip pa niya ang pabango bilang isa sa paraan niya para sa characterization ng karakter.
May pabango raw siyang ginagamit at magkakaiba ito, depende sa karakter na ginagampanan niya.  Para sa ‘P77’, ang Eclat d’Arpege Lanvin ang gamit niya.
Wood ang isa raw sa paborito niyang scent talaga.
Ayon sa Kapuso actress, “Actually, yung amoy talaga ng kahoy, yung puno. Mas yon ang talagang naalala ko and nakatulong talaga siya sa akin. Kasi ano siya, parang there’s so much character sa scent na yon.”
Hindi common sa isang artista na sa pabango humuhugot pagdating sa kanilang karakter, pero naisip niyang talaga yon.
“Na-discover ko siya sa ‘Maging Sino Ka Man’ kasi, ang mga pabango ko talaga, sweet, fresh, ganyan. E, yung role ko ron, naging lalaki ko, ‘di ba?
“Noong time na naging lalaki ko, yun yong pabango ko, sweet. Parang nahirapan ako.  Sandali, ang hirap namang maging lalaki, e, ang naaamoy ko, babae.
“So do’n ako nag-explore ng ibang scents.”
Nababago talaga ng pabango ang pag-atake niya sa karakter?
“Nakakatulong,” sey niya. “Like do’n nga, wala kang naaamoy na anything feminine.”
Mahilig din daw talaga siya sa pabango at mabangong tao.
“Oo, very impressive sa akin kapag mabango ang isang tao.”
Ang ‘P77’ ang bagong movie, actually first solo mainstream movie ni Barbie ang horror film na ito ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Warner Bros.
Aminado si Barbie na challenging ang movies ngayon, pero confident daw siya sa ginawa nilang movie sa direksyon ni Roderick Cabrido.
***
PAGKATAPOS ng matagal din na pananahimik, biglang nagpasabog si Yen Santos at nag-launch ng kanyang sariling You Tube.
Kuha ni Yen ang formula. Kaya kahit first vlog niya, nakuha niya ang interes ng netizen.
Without mentioning Paolo Contis’ name, sa salita niya ay nagsisisi siya sa huling relationship. Bukod dito, alam daw niyang mali ang ginawa niya at nag-sorry siya.
Again, without mentioning, obvious na kay LJ Reyes siya nagso-sorry.
May pahiwatig din siya na tila kapatid niya ang tinuturong anak daw nila ni Chavit Singson. Wala raw silang anak.
Hmmm, ‘di kaya mali ang tinuturong ama? huh! But anyway, walang duda na nagbabadya ng comeback si Yen.
At in fairness din, halos perfect ang narrative niya pero sana binawasan niya yung pagtawa, medyo nakakawala ng sincerity.
(ROSE GARCIA)