Kahit hindi siya naging PBB grand winner: EMILIO, bida sa isang series at may endorsement contract
- Published on August 4, 2025
- by @peoplesbalita
KAHIT na saglit lang halos si Emilio Daez sa PBB house bilang isang housemate at isa rin sa mga unang na-evict, hindi maikakaila na isa siya sa napakarami ng opportunity na natatanggap.Imagine, kahit na sabihin pang hindi siya naging grand winner at ni hindi nakasama sa finalist, aba, si Emilio lang naman ang meron na agad pinirmahan na endorsement contract. And, a major one.
Siya ang bagong celebrity endorser ng fast-food chain na KFC. Siyempre, para sa kanya, it’s a dream come true nga raw.
Sa mga hindi nakakaalam, si Emilio ay nag-trabaho muna sa bangko bago siya sumabak sa showbiz. Pero may malaking ambag daw sa kanya ang naging karanasan niya sa loob ng bahay ni Kuya.
“PBB made me more assured in my belief in life and what I want to achieve as well,” sey niya.
Nagbiro naman ito nang tanungin kung ano raw ang nakikita niyang kaibahan nila ng kanyang kuya na si Mikael Daez.
“I guess different, we have different name, joke,” natatawang sabi niya.
“Pareho po kaming guwapo siyempre. But I think, we have similar values, similar work ethics, morals. And we’re both goal-driven.”
When asked kung tulad ng kuya niya, isang beauty queen material din daw ba ang hanap niya sa isang babae?
“I love Megan (Young). I love Ate Megan. So yeah, shout-out to that,” biro niya.
“But I think, my type, it really depends. I think, I don’t have that considered type.”
Sa ngayon, may lead series na rin si Emilio, ang “Love at First Spike” at malapit na rin ang kanilang PBB Collove Fan Concert sa August 10.
***
ISA pa sa masasabing nagbago ng bongga ang status, ang career dahil sa PBB ay si Shuvee Etrata.
Aba, nagsisisigaw ito at hindi napigilang maiyak nang isinusukat ang kanyang gown. Bilang GMA GALA na ngayong Sabado, kung dati ay hindi masyadong napapansin si Shuvee, mukhang isa na siya sa aabangan sa red carpet pa lamang.
Sey ni Shuvee na tila hindi makapaniwala sa isusuot niya, “Oh my god! Ang ganda! Ang ganda-ganda niya! Naalala ko yung mga previous kong gala na kung saan-sana lang ako kumukuha ng gown.
“For my three years in GMA GALA, heto na po talaga siya. May gown na po tayo na ginawa para sa akin. And it’s really beautiful. I can’t wait na ipakita po sa inyo ang aking final gown dahil sobra po talaga niyang ganda.”
So slay Shuvee!
(ROSE GARCIA)