Kahit aminadong certified Noranian: ANGEL, na-starstruck at labis din na humanga kina VILMA at SHARON
- Published on October 27, 2025
- by @peoplesbalita
SA latest Vlog ni Direk Ronald Carballo na “DIREKwentuhan” ay si Angel Aquino ang kanyang guest.
Tinanong ni Ronald si Angel kung sino ang aktres na hinangaan nito noong hindi pa siya artista.
Mabilis na sagot nito ay si Superstar and National Artist Nora Aunor.
Pinanood nga raw niya ang “Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?” at nagandahan siya sa liit ng mukha ni Ate Guy at power ng mata nito pagdating sa acting.
But noong makatrabaho raw ni Angel si Gov. Vilma Santos sa “Bata Bata Paano Ka Ginawa?” ay bigla raw siyang na-starstruck kay Ate Vi at in-admire na rin niya ito.
At tanda pa raw niya ay noong mga panahong ito, ay parang naglie-low sa career ni Ate Guy.
At pinuri rin ng morenang aktres ang pag-arte ni Ate Vi at magaling raw talaga ito. At sobrang generous rin na bantayan ang kanyang voice, na importante sa isang actor, na agad naman niyang sinunod.
Isa pang aktres na namangha si Angel ay kay Sharon Cuneta na nakatrabaho nila ni Hilda Koronel sa “Crying Ladies.”
At sa question kung paano siya na-discover ni Direk Jeffrey Jeturian.
Chika pa ni Angel na 18 years old siya noon, kumakain sila ng kanyang nanay sa Shakey’s Pizza Parlor sa Sta. Lucia Mall.
Paglabas nila ng kanyang mother ay may sumusunod sa kanila at si Direk Jeturian nga ito. Inalok siyang mag-artista na first movie niya ay noong 1996 na “Mumbaki” with Raymart Santiago.
Aksidente lang daw ang pagkakasali niya sa movie, and the rest is history.
Now, matagal ng manager ni Angel si Ricky Gallardo at parte siya ng ‘FPJ’s Batang Quiapo.’
***
Rozz Daniels, masaya sa magagandang feedbacks Christmas single
HAPPY and thankful, ang “Pop Rock Diva” na si Rozz Daniels sa magagandang feedbacks na kanyang natatanggap para sa Christmas single titled “My One Love On Christmas Day” na composed ni iconic composer Doc Mon del Rosario.
Special guest ni Rozz, si Mon sa kanyang “A Night With Rozz Daniels” solo Concert sa Viva Cafe ngayong Nov 25, 2025 at 9 PM sa Viva Cafe sa Araneta City, Cubao.
At bongga si Ms. Rozz at pine-play ng director niya sa kanyang concert na si Benny Andaya sa ‘Talk to Me’ show nito sa EuroTV ang kanyang christmas song.
Pinapatugtog ko rin ito, sa aking Showbiz Live Vlog sa PPA Entertainment Network.
Available na pala at pwede na ninyong ma-download at stream ang My One Love On Christmas Day, sa maraming popular na Digital Music Platforms like Spotify, iTunes, Apple Music, Etc. Samantala, sa parating na concert ay 19 songs, ang kakantahin ni Rozz at may duet sila rito ni Mon Del Rosario ng Tina Paner’s hit na “Tamis Ng Unang Halik”.
Ang “Get The Party Started” ang opening number ni Rozz, together with her male group back-up dancers na sina: Jiyeong, Christian, David, and Reynan. Infairness mga gwapo sila lahat at fresh. Iparirinig din ni Rozz sa kanyang audience ang version niya ng “Bulong Ng Damdamin” na hit song ni Marissa Tubig noong 80’s. Nakatakdang i-revive ni Rozz ang magandang old composition na ito ni Mon Del Rosario. At siyempre dahil Christmas is in the air na, akantahin niya sa show ang kanyang “My One Love On Christmas Day” na treat niya sa kanyang fans and supporters bilang pasasalamat niya, sa suporta ng mga ito sa kanya.
At tiyak happy, ang lahat at free entrance ang said Concert ni Rozz Daniels.
May pa-tribute pala ang singer sa namayapang si Ms. Blessie Cirera, na hindi lang niya naging manager kundi besfriend niya at itinuring pang kapatid.
Kasama si Blessie sa bumuo ng Christmas single ni Rozz at concert sa Viva Cafe.
(PETER S. LEDESMA)