• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ka-level na sina Manny, Pia, Catriona at Lea: KATHRYN, kumpirmadong magkaka-wax figure na sa Madame Tussauds HK

KUMPIRMADONG magkakaroon na ng wax figure ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa Madame Tussauds Hong Kong.
Ini-reveal na ito ng museum sa pagwi-welcome nila sa “Phenomenal Box Office Queen” ng
Pilipinas.

Sa kanilang Instagram post, “The countdown is over—Madame Tussauds Hong Kong is welcoming Kathryn Bernardo! Known as the “Phenomenal Box-Office Queen,” she

starred in the FIRST Filipino film to hit 1B pesos globally!

“Her wax figure drops in 2026.
“Did you guess right? Share with us your excitement below!”
Makakasama ng wax figure ni Kathryn sa Madame Tussauds Hong Kong ang iba pang wax replicas ng mga Filipino na sina Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach at Catriona Gray. Ang wax figure ni Lea Salonga ay makikita sa Singapore branch sa Sentosa island.
Ang pagkakaroon ng wax figure sa Hong Kong ay malapit sa puso ni Kathryn dahil ang kanyang 2019 blockbuster na “Hello, Love, Goodbye” kasama si Alden Richards ay kinunan doon habang ang 2024 na sequel nito na “Hello, Love, Again”, ay nanatiling highest-grossing Filipino film of all time.
Sa reel na pinost ng ABS-CBN’s Star Magic, sinabi ni Kathryn na, “It’s truly an honor and I’m just very, very grateful… And nakakatuwa kasi parang it’s going to bring pride again sa ating mga Filipino, to bring our Filipino flag doon sa Madame Tussauds na attraction.”
Dagdag pa ng aktres, “Siguro kapag makita ko na ‘yung wax figure in person, doon pa lang siya magsi-sink in sa akin. Na, ‘wow! I have a wax figure.”
Samantala, napansin din ng bumubuo ng Madam Tussauds ang pagsikat ni Kathryn na nagsimula bilang child actress, na lumalabas siya sa mga matagumpay na serye at pelikula na “Mara Clara”, “Got to Believe”, “Pangako Sa ‘Yo”, “The Hows of Us” at “A Very Good Girl”
Kinilala rin Kathryn ng Forbes Asia bilang isa sa most influencial celebrities sa social media sa Asia-Pacific region noong 2020, kasama ang kanyang fan base na umabot sa Vietnam, Thailand at South Korea.
Sa isang statement, ibinahagi ni Kathryn na ang pagkakaroon ng sariling wax figure isang dream come true.
“I’m excited for my fans worldwide to visit and interact with my twin, especially in Hong Kong since it’s such a meaningful milestone for me,” say ni Kathryn.
Napansin ni Wade Chang, ang General Manager ng Merlin Entertainments Hong Kong, ang halaga ng Filipino market at pinuri si Kathryn bilang “an inspiring artist who has worked tirelessly to achieve her success.”
Kasalukuyang nilililok ang rebulto ni Kathryn at nakatakdang ia-unveil sa pagpasok ng 2026.

(ROHN ROMULO)