JM, inamin na hindi pa siya sinasagot ni FYANG
- Published on May 20, 2026
- by Francis Paolo Torres
INAMIN ni JM Ibarra na hindi pa rin siya sinasagot ng ka-loveteam na si Fyang Smith. Tuloy-tuloy pa rin daw ang panliligaw niya sa dalaga
Sa interview sa kanya ng “Oh My Gan!”, natanong si JM sa real score sa kanila ni Fyang.
“Hindi kami nagmamadali parehas. I can say na until now, nandu’n pa rin sa panliligaw. Pero hindi ko naman minamadali. So far, consistent naman,” say ng aktor.
Inamin naman ni Fyang na aprub na aprub ang kanyang magulang kay JM, “Hindi lang ako, pati parents ko. First time na may magustuhan yung daddy ko na lalaki for me.”
Dagdag pa ni Fyang na mas naging close pa sila ni JM mula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya.
“Mas lumalim yung pagkakakilala ko sa kanya. Mas lumalim din yung pagpapahalaga ko sa kanya,” sambit ni Fyang.
Sagot naman ni JM, “Mas maraming bagay ngayon yung napapagkasunduan namin, medyo nagma-match na yung mga gusto namin sa buhay.”
Samantala, certified hit ang first solo movie ng tambalang JMFyang ang “Almost Us,” directed by Dan Villegas.
Hatid ito ng Regal Entertainment na palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan nationwide. (ROHN ROMULO)