Itinanggi ng contractor na si Curlee Discaya na may direkta siyang transaksyon kina Speaker Romualdez at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co
- Published on September 9, 2025
- by @peoplesbalita
ITO ang naging pahayag ni Discaya sa pagdinig ng House Infra Committee ukol sa maanomalyang flood control projects.
Kaugnay ito sa pahayag ni Discaya sa pagdinig ng senado kung saan nabanggit ang pangalan nina Romualdez at iba pang mambabatas ukol sa kickbacks sa mga government infrastructure projects.
Agad naman itong itinanggi nina Romualdez at kasamahan nitong mambabatas at dating kongresita.
Sa pagdinig ng Kamara, sinabi nito na kaya nabanggit ang pangalan nina Speaker at Co ay dahil iyon ang sinasabi o kaya ay ginagamit ang pangalan ng mga nakausap niya.
“Baka po nagagamit lang po ng mga pulitiko ang kanilang pangalan… pero wala po akong direct na unawa o capacity na masabi na kay Speaker talaga napupunta ‘yun o kay Zaldy Co. Pero ‘yun ang binabanggit ng mga pulitikong kausap ko,” ani Discaya.
(Vina de Guzman)