Historic silver sinikwat ng Alas Women sa SEA V CupHUMATAW ng kasaysayan ang Alas Pilipinas Women sa Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Volleyball Championship.
- Published on August 11, 2026
- by Francis Paolo Torres
Tinakasan ng mga Pinay spikers ang Indonesia, 25-13, 23-25, 25-19,c33-31, para angkinin ang silver medal sa Leg 2 ng SEA V Cup kahapon sa 700th Anniversary Chiang Mai Sports Complex sa Chiang Mai, Thailand.
Humataw si Leg 1 Best Opposite Spiker Alyssa Solomon ng 19 points habang may tig-17 markers sina Bella Belen at Eya Laure para sa ikalawang sunod na panalo ng tropa ni Japanese coach Taka Minowa.
Ito ang kauna-unahang pilak na medalya ng Alas Women sa seven-year, 11-leg history ng regional tournament matapos makuntento sa anim na tanso.
Bokya ang kampanya ng koponan sa Leg 1 sa Hanoi, Vietnam.
Nanggaling ang Nationals sa 22-25, 25-23, 25-21, 25-22 panalo sa Vietnam noong Sabado matapos ang 19-25, 17-25, 19-25 pagyukod sa Leg 1 winner Thailand noong Biyernes.
Nakaganti rin ang mga Pinay hitters sa mga Indonesians na tumalo sa kanila, 20-25, 19-25, 22-25, 16-25, sa agawan sa bronze medal sa Leg 1.
Inaasahang dadalhin ng Alas Women ang momentum sa pagsabak sa parating na Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan na nakatakda sa Setyembre 16.
Makakasama ng mga Pinay sa Pool B ang nine-time Asian Games champion China at Kazakhstan na runner-up sa Vietnam sa 2024 AVC Nations Cup na idinaos sa Manila.