• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:09 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa priority na magkaroon agad ng baby: EA, napa-two thumbs up nang maka-score na kay SHAIRA

GUSTONG i-enjoy muna nina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz ang pagiging bagong mag-asawa kaya hindi pa nila priority na magkaroon ng baby.
Naitanong kasi ito ng kanilang ninong na si Kuya Boy Abunda sa guesting nila sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
“Are you starting a family right away?” tanong ni Kuya Boy.
“Hindi po, i-enjoy lang po muna namin Tito Boy,” tugon ni EA.
Sagot naman ni Shaira na parang bitin, “Gusto ko rin pong ma-enjoy ‘yong ano po, eh…”
Natawa tuloy si Shaira sa panunukso sa kanilang mag-asawa dahil alam na ang gustong tukuyin ng audience na nag-react ay ang pagbibigay na niya ng kanyang virginity kay EA.
Salo naman ni Kuya Boy, “Enjoy each other.”
Paglilinaw ni Shaira sa kanyang bitin na tinuran, “Ma-enjoy ‘yung company naming dalawa as a married couple po.”
Kinumpirma naman ni EA kung saan sila magha-honeymoon ni Shaira.
“First week of September sa Switzerland, kasi parehas kaming hindi pa nakakapunta. Kaya first time naming mararating ang Switzerland.
“And sa lahat ng mga reels namin sa social media, ‘yun po ang nakikita namin.  Kaya na-curious kami kung ano ba ang hitsura.
“Saka parang perfect kay Shai dahil mahilig siya sa mga scenery.”
Singit naman ni Shaira, “yes, yun mga puno, bundok-bundok at may Swiss alps.”
Pagdating naman sa kani-kanilang career, tuloy-tuloy lang daw kahit na bago pa lang silang mag-asawa.
At pagkatapos nga ng kanilang honeymoon at agad silang babalik sa trabaho.
Pahayag ni Shaira, “siyempre kailangan naming paghandaan na ang baby, mahal na ang pag-aral ngayon, magpalaki ng bata.
“So, ayaw namin na mahirapan ang magiging anak namin, kailangan prepared po kami, once na nandun na ang lahat.”
Tinanong din ni Kuya Boy may nangyari na ba sa mag-asawa pagkalipas ng ilang araw nang maikasal. Napanood daw niya ang sinabi ni EA sa ‘Unang Hirit’ na sa unang gabi ay tinulugan siya ni Shaira.
“Yun po ay totoo Tito Boy, tinulugan niya dahil sa pagod at naiintindihan ko.  Talagang mas maaga siyang nagising at nag-prepare kesa sa akin.
“After nun na kuwarto na kami, sa hotel na kami, nagbilang na lang kami,” natatawang kuwento niya.
Inamin naman ni EA na buong pagmamalaki na pagkaraan ng ilang araw ng kasal ay may nangyari na sa kanila ni Shaira kaya napa-“two thumbs up” siya.
Kitang-kita naman kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa at masayang-masaya.
Say ng mga netizen, sila ang couple na perfect role model para sa mga kabataan.
Dalangin namin na maging forever ang kanilang pagsasama at gabayan sila palagi ng Diyos.
 
(ROHN ROMULO)