• June 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Handang- handa na ang House prosecutors sa impeachment trial ni VP Sara

NANANATILING handa ang House prosecutors sa impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte, sa kabila ng mga kaganapan sa senado.

Sinabi ni Lead prosecutor at House Committee on Justice Chair Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na nakumpleto na ng 11-member prosecution panel ang kanilang preparasyon at nananatiling nakatuon sa darating sa pagdinig.

“I wish to share to the Filipino people that the 11 prosecutors are resolved. We will continue to proceed with the impeachment trial. The 11 prosecutors are ready, as a matter of fact even our pre-trial brief is ready. Sa kabila po ng mga komosyon, irregularidad na nagaganap doon sa Senado ng Republika ng Pilipinas, ang 11 prosecutors po ay hindi natitinag at handang humarap sa papalapit na impeachment trial,” anang mambabatas.

Naisumite na aniya ng prosecution panel ang kanilang manifestation sa senado,

Hindi sila naghain ng tugon o sagot ng VP dahil hindi sinagot o kinontra ang alegasyon sa Articles of Impeachment o nagbigay ng bagong factual issues na kinakailangan bilang sagot.

Sinabi naman ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na ang sagot ni Duterte ay lumilitaw na isinusulong ang pagbasura ng kaso sa halip na sagutin ang alegasyon na nasa impeachment complaint.

“Ang ini-expect natin na answer o ‘yung sagot sa Articles of Impeachment ay sasagutin dapat ‘yung mga alegasyon ng mga facts na andun. Pero kung titingnan kasi natin ‘yung naging sagot ni VP ay mukhang ang gusto niya ay ipa-dismiss agad ang kaso. Kaya po hindi na kami nag-file ng reply dahil wala naman bagong factual allegations na kailangang sagutin. Ang kailangan ngayon ay litisin na agad ang kasong ito at kami naman po sa hanay ng prosecution ay handang-handa na magpresenta ng ebidensya,” pahayag nito.

Idinagdag ni Luistro na patuloy ang pagtatrabaho ng panel base sa timeline na ipinalabas ng senado kamakailan kung saan ang pre-trial conference ay gaganapin sa Hunyo 18 at ng simula ng trial ay sa Hulyo 6.

“We anticipate na June 18 ang 11 prosecutors po ay a-appear sa impeachment court for the first day of pre-trial conference and on July 6 para po sa unang schedule ng trial naman doon sa impeachment court,” ani Luistro. 

“Rest assured po that the 11 prosecutors are still very much focused on the preparation because we understand that regardless of what is happening in the Senate, ito po’y constitutional duty, there is no option not to proceed. The only option is to proceed, because this is obligatory on the part of the 11 prosecutors.”

Inaasahang magsusumite ang prosecution panel ng kanilang pre-trial brief sa Hunyo 15.

(Vina de Guzman )