• May 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halaga ng piso kontra dolyar, sumadsad sa P61.75

MULING sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar sa unang trading day ng linggong ito.

Sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines, bumaba ng 2.9 sentimo ang ­halaga ng piso at nagsara sa P61.75 dolyar nitong Lunes.

Mas mababa ito kumpara sa dating record low na P61.721 sa pagsasara ng palitan noong Biyernes.

Nagbukas ito sa P61.69 at panandaliang tumaas sa P61.64, ngunit malaunan ay bumagsak sa record intraday low na P61.75.

Ang trading volume naman ay bumagsak ng 16.4% sa $1 bilyon mula sa dating $1.2 bilyon.

Ang pagsadsad ng presyo ng piso ay kasunod ng pananatiling matatag ng dolyar at mas mataas na presyo ng langis na patuloy na nakakaapekto sa mga gastos sa pag-angkat at demand sa dayuhang palitan.