Gumigiling na ang kamera para sa ‘Hari Ng Tondo’… DENNIS, ibang-iba ang hitsura at ‘di nagpa-double sa action scenes(ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on August 24, 2026
- by Francis Paolo Torres
GUMIGILING na ang kamera para sa “Hari Ng Tondo” na tampok ang Drama Prince ng GMA na si Dennis Trillo.
Bukod sa ibang-iba ang itsura dito ni Dennis, tiniyak ng Kapuso actor na hindi siya gumamit ng double sa lahat ng action scenes niya kahit na mapanganib ang karamihan sa mga ito.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabi ni Dennis na kung nasanay tayo sa clean look niya sa mga nagdaan niyang series ay scruffy look naman siya ngayon sa “Hari ng Tondo.”
“Ang gaganda ng mga eksenang ginagawa namin doon, nakakatuwa katrabaho si Direk Enzo dahil grabe ‘yung pagtutok niya sa mga bawat characters ng show,” kuwento ni Dennis.
Makakasama dito ni Dennis sina Ruru Madrid, Rocco Nacino,Lotlot de Leon at marami pang iba.
At iyon nga, hindi halos sila gumagamit ng kadobol pagdating sa mga action scenes.
“Ngayon siguro ‘yung pinaka maaksyon talaga. Nag-prepare kami talaga dito lahat ng mga action sequences.
“Ginagawa namin nang actual para makita nila na talagang pinaghihirapan namin bawat eksena.”
Bukod sa “Hari ng Tondo,” ay magbabalik-studio rin si Dennis kasama ang asawang si Jennylyn Mercado para sa kanilang Co-Love na kanilang YouTube music channel.
“Malapit na magawa ‘yung studio namin. Ayun, mapapanood ulit na rin yung Co-Love. Makakagawa ulit kami ng mga contents ulit,” sinabi pa ni Dennis.