• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gaganap bilang asawa ni Elijah sa historial film na SHARON, proud at mega-promote sa first movie ng anak na si FRANKIE (ni: ROHN ROMULO) ‘EdJop’…

PROUD na proud si Megastar Sharon sa first movie ng anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan kaya todo-todo ang suporta niya.

Sa Instagram post ni Sharon, mega-promote siya para maging aware ang nakararami sa pelikulang “EdJop”.

Isa itong historical film na tungkol sa life and death of Edgar “Edjop” Jopson, na kilalang student leader and activist noong panahon ng Martial Law.

Sinumulan ni Mega ang kanyang IG post ni Mega na kung saan naka-tag ang anak, “My Kakie’s first movie!!! Hope you can all support it. Thank you!”

Kasunod nito ang buong post ng @edjothemovie…  

“Matagal naming inisip pano ba namin ipo-promote ang EDJOP? 
“Siyempre andyan yung mga usual events. Premiere night. Press con. Preview. Lahat ‘yan gagawin namin. Pero paano namin ito ilalabas ng mas malawak sa mundo ng pelikula/ entertainment? Although masaya yun, andun yun, pakiramdam namin, kulang kung andun lang kami iikot.”
Pagpapatuloy ng post, “So tiningnan namin ang buhay ni Edjop. He was one of the most impactful youth organizers of the time. Ang simple ng galaw niya. 
“Dumirecho ka sa kelangan mo makausap at pakinggan.” Make your case direct to your audience. 
“Si Edjop dumirecho—sa estudyante, sa manggagawa, sa naghaharing-uri—kay Marcos Sr. Yun ang playbook. Honest, straight to the point. 
“Kaya didirecho na rin kami sa inyo, dear Kabataan. Galawang Edjop.”
Magkakaroon sila ng campus converstions na magsisimula sa August 26 hanggang September 11.

“Iikot kami sa iba’t ibang schools para makipagkwentuhan sa inyo. Kayo ang number one inspiration ng pelikulang ito. 

“Pupuntahan namin kayo para ikuwento ang buhay ng isang estudyanteng piniling makialam, tumayo at hindi sumuko. Higit sa lahat, hindi nawalan ng pag-asa. 
“Feeling namin, pag-asa ang isa sa mga pinaka-kailangan natin ngayon. Lalo na ng mga kabataan. So gusto rin namin kayo pakinggan. Safe space ‘to. Pramis.
“Kaya tara. Kita-kita tayo. This is EDJOP Campus Conversations.

“Details in the poster!”

Ni-repost naman ni Kakie ang final trailer ng “EdJop” pati na ang ilan pang detalye ng matapang at napapanahong pelikula…

“A movie that took 5 years to complete. 

“A story about a young man who dared many dangerous things: ask questions, challenge those in power, stand up and fight for what he believed was right.
“Maybe the most dangerous thing he dared, was to believe change was possible. 
“This film is the story of Edgar “Edjop” Jopson, student leader, activist, son, friend, husband, father–and one of the most unforgettable young Filipinos of his generation.
“But this isn’t just a story about the past.
“It’s a story about courage. Love. Conviction. And the choices we make when staying silent is no longer an option.”

Pinagbibidahan ito nina Jodi Sta. Maria (bilang eldest daugther ni Edjop na si Joyette), Cedric Juan at Elijah Canlas bilang Edgar Jopson.  Si Kakie naman ay gaganap na Joy Jopson, ang wife ni Edgar.
Mula sa direksyon ni Katski Flores at mula sa panulat nina Jade Castro at Flores. Ipalalabas ito sa mga sinehan sa buong bansa sa September 16, 2026.

Produced ito ng Open Water Productions at Mad Goats Pictures in association with Narra Post Production by Wildsound at idi-distribute ng Warner Bros. PH.