Friends pa rin sila ng ex-gf at puwedeng mag-react out…JERIC, hinangaan sa pagsasabing hangad na maging maligaya si RABIYA (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on August 11, 2026
- by Francis Paolo Torres
MARAMI ang pinahanga ni Jeric Gonzales sa sinabi niyang hangad niya na maging maligaya ang dati niyang girlfriend na si Rabiya Mateo.
“At first, honestly, I don’t know what to feel kasi it’s awkward na your ex is nagkaroon na ng bago.
“Ganun talaga siguro yung feeling,” pahayag ng Sparkle GMA Artist Center actor sa guesting niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” kasama ang kapwa “Protege” Season 2 winner na si Thea Tolentino.
“Pero I realized na I should be happy for her. I mean, we ended good naman. We’re friends, I mean, not friends-friends, pero we’re good friends na we can reach out to each other everytime na kailangan namin,” pagpapatuloy pa ni Jeric.
Noong March 2022 umamin sina Jeric at Rabiya tungkol sa kanilang relasyon at nagkaroon sila ng on-and-off na relasyon hanggang noong September 2025.
Kinumpirma naman ni Jake Cuenca ang relasyon nila ni Rabiya sa isang panayam rin sa “Fast Talk…” nitong nakaraang May 2026.
Going back to Jeric at sa recent guesting niya sa “Fast Talk…”, sumagot si Jeric ng “No” nang tanungin kung may hugot pa rin siya sa kanyang ex na si Rabiya.
Sa ngayon ay single siya, ayon mismo ay Jeric.