• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fish vendor na bumaril sa OFW sa Valenzuela, nasabat sa QC

NAARESTO ng pulisya ang 37-anyos na fish vendor na bumaril sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Valenzuela City habang patakas na patungong Samar, Martes ng madaling araw sa isang bus station sa Quezon City.
Nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police ang suspek at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, nangyari ang pamamaril ng suspek sa 43-anyos na OFW Lunes ng alas-10:00 ng gabi matapos ang kanilang mainitang pagtatalo na nagsimula nang mangulit umano ang biktima habang nasa impluwensiya ng alak.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa tiyan at isa sa kanang braso ang biktima na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan kung saan siya patuloy na inoobserbahan habang tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril.

Mismong ang suspek naman ang nagpahamak sa kanyang sarili nang ikuwento sa katabing pasahero ang ginawa niyang pamamaril na dahilan para marinig ng isang concerned citizen na siyang nagsuplong sa mga tauhan ng Cubao Police Station na nagpapatrulya malapit sa bus station sa Harvard St. sa Cubao, Quezo City na nagresulta sa kanyang pagkakadakip dakong alas-4:30 ng madaling araw.

Nakuha naman nina P/Capt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Valenzuela police sa bahay ng suspek ang hindi lisensiyadong kalibre .22 na kargado ng limang basyo at isang bala sa chamber na ginamit sa pamamaril.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang pagtutulungan ng Quezon City at Valenzuela City Police Stations sa pagkakadakip sa suspek na umano’y binigyan pa ng pera ng kanyang ama para tumakas patungo sa kanilang lalawigan sa Samar. (Richard Mesa)