• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:35 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time nakatanggap ng cash gift mula sa anak: SHARON, naging emosyonal sa heartwarming message ni FRANKIE

NAPA-OMG si Megastar Sharon Cuneta nang makatanggap ng isang envelope na naglalaman ng pera at letter mula sa anak na si Frankie Pangilinan.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang naramdam na for the first time ever in her life, nakatanggap siya ng regalong cash mula sa anak.
“Of course she didn’t have to. I, in fact said that I wanted to frame the money!” pahayag ni Sharon.
I cried when I read her note…It is so heartwarming to know that she thinks of taking care of me and her Daddy when we are old and no longer able to work.
“Thank you, my darling Kakie…”
“Much more than the money, it is knowing that we raised a filial, loving, devoted child.
“God bless you every minute, my Baba…I love you with all of my grateful heart. Praise Jesus,” say pa ni Sharon.
Samantala, mababasa naman sa handwritten letter ni Frankie ang kanyang mensahe sa kanyang Mommy Sharon.
“I want you to keep this and remember that there is no universe where I will not take care of you, and that is a lifelong promise.
“Thank you for this beautiful life. It’s my honor to be your daughter.”
***
‘Mudrasta’ at ‘Post House’ nangunguna sa mga bagong pelikula ngayong linggo
TAMPOK ngayong linggo ang dalawang pelikulang Pilipino, ang “Mudrasta: Ang Beking Ina” at “Post House,” sa mga inaprubahan at binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ang comedy-drama na “Mudrasta: Ang Beking Ina” na pinagbibidahan ng batikang aktor na si Roderick Paulate at prinodyus ng CreaZion Studios, ay rated R-13, angkop para sa mga edad 13 pataas.
Hatid ng pelikula ang isang nakaaantig na kwento ng pamilya at pagmamahal na hinaluan ng komedya at drama, na tiyak na maghahatid ng ngiti at aral sa buhay.
Ang “Post House,” isang supernatural film na pinagbibidahan nina Bea Binene at Sid Lucero, ay rated R-16 dahil sa sensitibong tema, at bagay sa mga edad 16 pataas.
Tungkol ito sa isang film editor at sa kanyang anak na babae na hindi sinasadyang nakapagpalaya ng halimaw habang nire-restore ang isang hindi natapos na silent horror movie.
Ilang international films din ang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon mula sa Board.
Ang South Korean comedy horror na “My Daughter Is a Zombie,” mula sa mga lumikha ng “Train to Busan,” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), para sa mga edad 13 pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.
Dalawa pang pelikula ang rated R-13: ang Japanese animated movie na “Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba – The Movie: Infinity Castle,” at ang American fantasy- drama na “The Life of Chuck.”
Ang American crime-thriller na “She Rides Shotgun,” na hango sa nobela noong 2017 na may parehong pamagat, ay rated R-16.
Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto na ang bawat pelikula ay dumaan sa masusing pag-ribyu ng Board para matiyak na mayroon itong angkop na klasipikasyon.
“Ating ipinagmamalaki ang mga tampok na pelikulang Pilipino na hindi lang nagbibigay-aliw kundi nagbibigay-inspirasyon din,” sabi ni Sotto. “Sa pamamagitan ng aming age-appropriate ratings, ginagabayan namin ang pamilyang Pilipino sa tamang pagpili ng kanilang panonoorin habang itinataas ang antas ng pagkamalikhain ng ating mga lokal na filmmaker.”
Muling pinagtibay ni Sotto ang layunin ng Ahensya na protektahan ang mga manonood, lalo na ang mga batang Pilipino, habang sinusuportahan ang patuloy na paglago ng pelikulang Pilipino.

(ROHN ROMULO)