DOTr nanawagan sa kontraktor ng MRT 7, Skyway
- Published on July 25, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Transportation sa kontraktor ng ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) dahil sa alegasyon na ito ang naging sanhi ng mga baha sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Tinawag din ng DOTr ang pamunuan ng Skyway dahil sa umanoy isa rin ito sa
naging sanhi ng mga pagbaha sa kalakhang Maynila.
“I spoke to all the MRT 7 contractors and told them that they need to clear
everything that blocks the drainage along Commonwealth Avenue. The San Miguel Corporation has committed to addressing the concerns in the MRT 7 project,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang ginagawang MRT 7 Commonwealth na estasyon ay partially nakakaharang sa daloy ng ulan na siyang
dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalang pagbaha sa lugar. Sinabi rin ng MMDA na ang kontraktor ay naglagay ng isang manholde na derecho sa ibabaw ng dating drainage pipe culverts.
“A constructed footing wall of the ongoing MRT 7 construction was also observed, which may have partially obstructed the flow of water,” sabi naman ng MMDA.
Sa Skyway naman ay inutusan din ni Dizon ang San Miguel Corp. na ayusin ang Skyway’s downspouts na hindi derechong konektado sa drainage na ayon naman sa SMC ay kanila ng nabigay ang trabaho sa Department of Public Ways and Highways
(DPWH).
Dahil dito ay sinabihan din ni Dizon ang SMC na makipagusap sa DPWH-NCR at
huwag ng magturuan at ayusin na lamang ang problema tungkol sa pagbagsak ng tubig mula sa itaas ng Skyway.
“I told the NCR regional director of the DPWH and San Miguel to talk and stop
pointing fingers at each other and to fix the water falling from above,” saad ni Dizon.
Samantala, tinanggi at kinalro naman ng pamunuan ng SMC at sinabi ng MRT 7
Project Management Office na ang mga pasilidad na malapit sa istasyon ng Batasan sa Commonwealth ay hindi siya ang sanhi ng pagbabaha sa nasabing lugar.
“All MRT 7 structures in the area, including columns and footings, were built outside existing drainage lines and do not obstruct the natural flow of water. Those were constructed with full consideration of the drainage layout and in compliance with approved
engineering plans,” dagdag ng SMC.
Tungkol naman sa manhole na nilagay sa kahabaan ng drainage line, ito ay
nirepaso rin at tiningnan ng SMC at based sa design, simulation at on-site inspection, ang nasabing manhole ay hindi naman nakakasagabal sa daloy ng tubig sa loob ng pipe culverts.
At kahit naapektuhan ng konstruksyon ang drainage sa unang bahagi, ito naman
ay fully coordinated sa DPWH.
“The affected segment was restored upon completion, and on March 3, 2025, the DPWH Quezon City 1st District Engineering Office certified that the drainage was 100 percent completely restored in accordance with standard plans and specifications,” saad
ng SMC.
Dagdag ng SMC na ang pagbabaha sa kalakhang Maynila ay matagal ng
problema at isang mabigat na issue na ang sanhi talaga ay poor waste disposal at inadequate maintenance ng mga drainage systems.
Kamakailan lamang ay nagkaron ng inspeksyon ang mga MRT 7 engineers sa
nasabing lugar at kanilang nakita matapos ang nakalipas na mga pagbaha ay may madaming plastic waste at basura sa mga drainage.
“This significantly reduced the system’s capacity to carry rainwater, which likely
contributed to surface flooding,” ayon sa SMC. LASACMAR