DOTr, naglibreng sakay sa commuters na na-istranded
- Published on July 23, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPATUPAD ang Department of Transportation (DOTr) ng mga libreng sakay para matulungan ang mga commuters na na-istranded dahil sa mga pagbaha sa Metro Manila kamakalawa ng hapon.
Sa Facebook post ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na lahat ng linya ng tren sa Metro Manila, kabilang na ang Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay nagpatupad ng libreng sakay para sa kanilang mga parokyano simula 12:00 ng tanghali, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Anunsiyo ng DOTr, “Dahil sa nagpapatuloy na malakas na pag-ulan, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, simula 12:00 ng tanghali ngayong araw, July 21.”
Sinabi pa ng DOTr na nag-deploy na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) ng libreng sakay sa mga bus at truck para sa stranded passengers.
Kasabay nito, siniguro rin ng DOTr na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero at tiyaking mabilis at ligtas silang makakauwi sa kanilang bahay, sa kabila ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar sa Metro Manila.
“Nakahanda ang Department of Transportation (DOTr) na tulungang maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan na stranded ngayon dahil sa pagbaha dulot na malakas na pag-ulan, para makauwi ng komportable at ligtas,” anang ahensiya.