DOTr nagbabala sa mga opisyales ng rail lines sa nagbabantang “beep” cardshortage
- Published on September 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng babala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga opisyales ng rail lines na magkaroon ng alternatibong paraan dahil sa nagbabantang kakulangan ng mga beep cards sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1(LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 1).
Ito ay matapos hindi nakapag-deliver ang AF Payments Inc., na isang consortium sa pagitan ng Ayala Group at First Pacific Group, ng mga beep cards sa MRT 3 nanakalaan dapat noong July.
Sinabi naman ng consortium ang sitwasyon sa DOTr dahil sila rin ang nagbibigay ng supplies sa LRT 1 at LRT 2 bukod pa sa MRT 3. “We placed multiple orders with card makers abroad, only to be denied deliverydue to a global supply crunch for chips,” wika ng consortium.
Inaasahan ng DOTr na tataas ang demand ng beep cards dahil sa ngayon aymay face-to-face na klase na sa lahat ng paaralan, pribado man o pampubliko. Dadami rin ang mga pasahero dahil sa ang mga empleyado at manggagawa ay kailangan ng bumalik sa kanilang mga trabaho. Kaya hiniling ng DOTr sa mga opisyales ng rail lines na humanap ng isang alternatibong paraan upang matakpan ang supply gap at isa sa mga nakitang paraan ay ang masagad ang paggamit ng single-journey tickets.
“However, commuters reeling from the impact of climbing inflation may find thisimpractical given the fare difference between using single-journey and stored-valuecards,” wika ng DOTr.
Halimbawa na ang LRT 2- single journey fares ay mula P15 hanggang P30,habang ang stored-value rates ay mula P12 hanggang P29.
Sa LRT 2 ang pamasahe sa single journey ay mula P15 hanggang P30 samantalang ang stored-value rates ay mula sa P12 hanggang P28. Kaya mas pipiliin ng mga pasahero ang paggamit ng stored-value cards kaysa sa single journey cards. Sa nasabing sulat sa mga rail managers, sinabi ng DOTr na mayroong nagbabantang kakulangan ng mga beep cards dahil na rin sa kakulangan ng access sa special gases mula Russia na ginagamit sa paggawa ng NXP chips.
Sinisisi rin ng ahensya ang shipping slowing down na nangyayari sa buong mundo dahil sa ginagawang lockdown sa China na ang sanhi ay ang pagtaas ng casesng COVID-19 sa China. Noong nakaraang buwan sinabi ng JP Morgan na ang kakulangan sa global chip ay dahil din sa paghinto ng manufacturing nito kung saan sanhi rin ang pandemya lalo na sa China kung saan ginagawa ito.
“Afterward, the general shift to digital transactions drove the demand for chips,especially by automation firms. Although, the current supply will fall short of providing for everyone’s needs but the global chip crunch would end soon. More chips will become available in the second half of the year and the shortage is nearing its end, but available chips may not be the right type to satisfy the demand,” wika ng JP Morgan. LASACMAR