• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DigiPlus, nanguna sa 24/7 CX operational powerhouse

IPINAPAGPATULOY ng DigiPlus Interactive Corporation, ang puwersa sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at Gamezone, ang pagpapaunlad ng karanasan ng kanilang mga customer, o customer experience (CX), sa pamamagitan ng paghahandog ng 24/7 na suporta sa mga manlalaro, na panibagong mataas na pamantayan sa industriya. Dahil 40 milyon na ang nakarehistrong user sa DigiPlus, patunay lamang ito ng pagpapalawig ng kompaniya ng kaniyang operasyon sa larangan ng serbisyo sa mga customer, at paniniguradong naibibigay ang tulong sa pangangasiwa ng account, suporta sa mga transaksyon, troubleshooting sa mga teknikal na aspekto, at pagpigil ng panloloko o fraud.
Simula noong lumipat sa digital na operasyon sa panahon ng pandemya, mas pinatingkad at lumalago ang komunidad na online ng DigiPlus, dahil sa e-games at iba pang handog sa entertainment. Dahil dinala ang kasabikan at saya ng paglalaro sa mga tahanan, ginawang mas madali, masaya, at aksesibo ng DigiPlus ang paglalaro–kahit kailan, kahit saan.
Habang mas lumalaki pa ang DigiPlus, lumago na sa higit-300 ang miyembro ng customer support team nito, at planong umabot sa 450 sa dulo ng taon. Pinapatunayan ng paglaki na ito ang pangako ng DigiPlus na maghandog ng mataas na kalidad na tulong sa mga manlalaro sa bawat interaksyon. Sa pamamagitan ng implementasyon ng maayos na sistema ng suporta sa mga primary at premium tier, nakabuo na ang DigiPlus ng customer experience framework na hindi lamang nireresolba ang mga isyu kung hindi naghihikayat ng pagkakontento ng mga manlalaro sa iba’t ibang aspeto.
“Malaki ang gampanin ng pagpapalakas ng serbisyo sa mga customer sa pagsiguro na bawat hinaing ng manlalaro ay matutugunan nang mabilis at tama. Ang layunin ay itaas ang antas ng serbisyo at ipangako ang maagap na resolusyon sa mga isyu ng mga manlalaro, na patunay ng aming pangako na mapanatili ang kanilang kasiyahan sa paglalaro,” ani Customer Service Director Carlos Pio Feliciano.
Dumaraan ang mga kinatawan sa masusing pagsasanay sa komunikasyon na sumasaklaw sa mahahalagang larangan gaya ng kaalaman sa produkto, mga teknik sa komunikasyon, pagresolba ng alitan, at teknikal na troubleshooting. Pangunahing prayoridad nila ang pagpapanatili ng transparency sa mga manlalaro at ang pagbibigay-alam sa kanila sa bawat hakbang ng proseso ng paglutas ng kanilang problema.”Hindi natatapos ang aming pagtutok sa kahusayan pagkatapos lamang ng paunang pagsasanay,” dagdag ni Feliciano. “Nagbibigay kami ng tuloy-tuloy na mga materyal sa pagkatuto upang matiyak na ang aming mga CX representative ay nananatiling maalam sa pinakabagong mga update sa plataporma, mga kagamitan, at mga uso sa industriya. Tinitiyak nito na handa silang tugunan ang mga bagong hamon.”Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa makabagong teknolohiya, patuloy na pagsasanay, at makabago at digital na solusyon, aktibong pinalalago ng DigiPlus ang isang customer-first culture na nakaugat sa tiwala, kasiyahan, at katapatan sa brand. Sinasalamin ng 24/7 CX operational powerhouse ang pangako ng kompanya na natatanging serbisyo at ang pangunguna nito nito sa larangan ng digital entertainment.Para sa mga manlalarong nangangailangan ng suporta at tulong, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na linya 24/7:BingoPlus – bingoplus.ph | cs@bingoplus.vip | (02) 8539 0282ArenaPlus – arenaplus.ph | cs@arenaplus.vip | (02) 8539 0285GameZone – gzone.ph | cs@gamefun.pro | (02) 8539 0286