Deployment ng mga pulis balik-normal na; heightened alert nananatili – NCRPO
- Published on November 20, 2026
- by Francis Paolo Torres
BALIK na sa normal ang deployment ng mga pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) subalit mananatili pa ring ang heightened alert upang matiyak ang seguridad at maayos na daloy ng trapiko sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista at commuter matapos ang tatlong araw na special non-working holiday.
Ayon kay NCRPO Chief PBGen. Christopher Abrahano, inatasan niya ang mga police commander na tiyakin ang sapat na police visibility sa mga pangunahing lansangan, transport terminal, at iba pang mataong lugar kasabay ng pagbabalik sa normal ng mga aktibidad matapos ang 49th ASEAN Summit.
Gayunman, mananatili sa heightened alert ang NCRPO dahil nagpapatuloy pa ang mga operasyong panseguridad kaugnay ng ASEAN Summit. Kabilang dito ang bilateral meeting nina US President Donald Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gayundin ang pagbabantay sa mga posibleng kilos-protesta.
Inatasan din ni Abrahano ang mga police commander na panatilihin ang seguridad sa mga kritikal na lugar at palakasin ang pagpapatrulya at pagbibigay ng tulong-trapiko sa mga pangunahing kalsada at transport hub.