Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, pinadadalo sa impeachment trial ng kapatid na si VP Sara
- Published on September 18, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGLABAS ang Senate impeachment court nitong Miyerkules ng subpoena kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, na nag-aatas sa kanya na dumalo sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Isa si Duterte sa mga ipina-subpoena na dumalo sa September 23, kabilang na si Gerardo del Rosario, director ng company registration and monitoring department ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Nagpalabas din ng subpoena ad testificandum duces tecum para kina Atty. Ariel Ronquillo at Rendell SopeƱa para sa September 21 hanggang 23 na pagdinig.
Kasalukuyang tinatalakay ng impeachment court ang Article II ng Articles of Impeachment, kaugnay sa umano’y unexplained wealth ng vice president.
Sinabi ng House prosecution panel na maaaring magsalita ang Davao City mayor ukol sa Gencorp Industries, Inc., isang kumpanyang may kaugnayan sa kanyang kapatid.
Nais malaman ng prosekusyon kung nagkaroon ng anumang usapin ang naturang kumpanya sa city government ng Davao. (VINA de GUZMAN)