• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, bagong NCSC chair — Malakanyang

KINUMPIRMA ng Malakanyang na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na ang bagong chairperson ng National Commission of Senior Citizens.
Bago pa ang posisyong ito, nagsilbi si Gutierrez bilang miyembro ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS).
Si Gutierrez, kauna-unahang babae sa Ombudsman, naupo sa Ombudsman sa loob ng limang taon bago nagbitiw noong April 2011.
Nagbitiw si Gutierrez bago pa magsimula ang kanyang impeachment trial sa Senado sa gitna ng alegasyon ng mababang conviction rate at kawalan ng aksyon sa ilang graft cases, kabilang na iyong mga nagsasangkot kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na itinalaga siya sa Ombudsman noong December 2005.
Sa kabilang dako, mainit na tinanggap naman ng NCSC ang pagkakatalaga kay Gutierrez.
“Throughout her distinguished career, Atty. Gutierrez has championed causes related to human rights, women’s and children’s protection, indigenous peoples, and anti-trafficking. She has also represented the country in numerous local and international forums focused on justice and human rights,” ayon sa NCSC.
“With a deep commitment to public service and a strong track record in governance, Atty. Gutierrez is poised to lead the Commission with integrity, grace, and competence,” anito pa rin.
Ayon sa NCSC, si Gutierrez ang pangatlong chairperson ng komisyon at inaasahan na maglilingkod hanggang 2031. (Daris Jose)