• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Climate change, ‘most serious threat’ na hinaharap ng sangkatauhan-PBBM

NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang climate change ay ang “most serious threat” na hinaharap ngayon ng sangkatauhan lalo na iyong mga ‘vulnerable nations.’
“For the Philippines, the climate crisis is not a future risk, it is for us a present reality. It reshapes our coastlines, our communities, and even the Filipino psyche,” ang sinabi ng Pangulo sa isinagawang special plenary session ng United Nations General Assembly sa headquarters sa Estados Unidos.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang mental health impact sa mga kabataan, tinukoy ang 2022 survey kung saan ipinakikita na ang mga kabataang pinoy ay mayroong pinakamataas na vulnerability sa climate anxiety.
Dahil dito, muling nanawagan ang Pangulo sa mga ‘developed at industrialized nations’ na gampanan ang kanilang mga obligasyon na ihinto na ang greenhouse gas emissions at magbigay ng bago at karagdagang pangtustos para sa ‘climate adaptation at loss and damage.’
Binigyang diin ni Pangulo na napili ang Pilipinas na mag-host ng Board of the Fund for Responding to Loss and Damage, sa pagsisikap na tugunan ang loss and damage na iniuugnay sa taliwas na epekto ng climate change.
“And as host country of the Board, we commit to ensure the Fund’s governance maintains equitable, transparent, and needs-based allocation of resources,” ang sinabi ng Pangulo.
Sa kabilang dako, winika ng Pangulo na nakiisa ang Pilipinas sa nagng pagkilos ng International Court of Justice’s (ICJ) na nagpalabas ng advisory opinion ukol sa obligasyon ng mga estado bilang paggalang sa climate change.
“And we were gratified by the ICJ confirmation that States have a legal obligation under international law to prevent climate harm,” aniya pa rin.
Kinukumpirma kasi ng opinyon na ang mga estado ay mayroong obligasyon na protektahan ang kapaligiran mula sa greenhouse gas emissions at kumilos na may ‘due diligence at kooperasyon para magampanan ang obligasyon nito.
Sinabi pa ng Pangulo na taong 2025, naglaan ang Pilipinas ng 18% ng national budget nito sa climate-related expenditures, idagdag pa na nagtatag ang bansa ng Climate Change Expenditure Tagging system para upang subaybayan at i- align ang budget priorities sa National Climate Change Action Plan.
Tinukoy din ng Punong Ehekutibo ang pagho-host ng PIlipinas sa 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction at unang International Conference on Nuclear Technology for Controlling Plastic Pollution noong 2024 para tugunan ang climate crisis.
“And as my country confronts its climate vulnerability directly, we extend our hand to other countries. The Philippines welcomes South-South or triangular cooperation, capacity-building arrangements, and the exchange of knowledge and technology,” anito.
“The climate crisis knows no borders. And it is by standing together, uniting in purpose, that we shall survive and overcome,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)