Claro, 60 na iba pa pasiklab sa 1st WNBL Draft Combine
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
MAY 61 aspirante, sa pamumuno ni dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player Camille Claro ng De La Salle University Lady Archers, ang mga nagladlad ng gilas sa unang araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 maghapon nitong Sabado sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.
Nakasa niya sina former UAAP MVP Marichu Bacaro ng dating University of Santos Tomas Golden Tigresses, at Kat Araja na mga asam makasama sa iba’t ibang team na mga lalahok sa 1st WNBL 2021 na planong magsimula sa Enero o Marso.
Pumunta sa pagtitipon si WNBL ambassador Kiefer Isaac Ravena sa kung saan ipinakita ng mga kalahok ang husay sa iba’t-ibang kalakasan, bilis, at liksi na pinamahalaan ng professional trainers sa pagtatangka agad na magpakilala para sa gaganaping draft ngayon ding Disyembre. (REC)