• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CICC, hiniling sa Japanese govt na imbestigahan ang panlolokong bomb threats

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government na magsagawa ng masusing  imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas.

 

 

“Efforts are now on the way to request the Japanese government to investigate thoroughly and identify the sender,”ayon sa kalatas ng CICC, ilang oras matapos na makatanggap ng bomb threat ang anim na ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs).

 

 

Kabilang sa mga ahensiya na nakatanggap ng bomb threats ay ang Department of Education (DepEd) division office sa Bataan, local na pamahalaan ng Iba sa Zambales province, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) head office sa Quezon City.

 

 

Winika ng CICC na ang email na natanggap na tila naglalaman ng bomb threats ay nagmula sa Japan. Ito ay mayroong locally registered domain name na tumama rin sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa Seoul, South Korea.

 

 

“There is no cause for alarm as this sender and email has been tagged as hoax,” ayon sa  CICC.

 

 

Idinagdag pa nito na kahalintulad ng bomb threats ang tumama naman sa ilang ahensiya ng pamahalaan noong nakaraang taon.

 

 

Gayunman, nilinaw ng CICC na ang mga apektadong  ahensiya ng pamahalaan ay pinayuhan na i-practice o gawin ang kani-kanilang emergency evacuation procedures bilang bahagi ng kanilang “preparedness efforts at emergency protocols.’ (Daris Jose)