• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 9:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub, naaresto sa La Union

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub na dating sinalakay sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan.

 

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI fugitive search unit (FSU) kinilala ang dayuhan na si Lin Qiude, 40, na inaresto noong July 20 sa loob ng isang resort sa Point Freeport in San Fernando, La Union.

 

 

Sinabi ni BI FSU chief Rendel Ryan Sy na ang kanyang mga tauhan, kasama ang mga ahente mula sa intelligence division ng bureau, ay naglalayong hanapin at arestuhin ang mga indibidwal na umano’y sangkot sa online gaming related crimes na iniimbestigahan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC).

 

 

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga intelligence group mula sa Philippine National Police (PNP), militar, at hukbong dagat, gayundin ng PNP Regional Office 1 at San Fernando City Police Station.

 

 

Noong ito ay inaresto, nalaman mula sa awtoridad ng Tsina na si Lin ay binasagan na isa itong pugante na wanted sa pandaraya.

 

 

Ayon sa awtoridad ng Tsina, si Lin ay napasailalim sa isang warrant of detention na inisyu ng isang public prosecutor sa Anxi County, China kung saan siya ay inakusahan ng pandaraya.

 

 

Ayon kay Sy, bukod sa pinaghahanap si Lin sa China, wanted din ito ng lokal na awtoridad na pinaghihinalaan na isa sa mga hackers na empleyado ng PAOCC na sinalakay sa Porac.

 

 

Si Lin ay pinaghihinalaan na responsable sap agha-hack ng mga bank accounts ng mga biktima na na nakabase mula sa US, Middle East and Europe. GENE ADSUARA