Cardiovascular Lab, binuksan na sa Maynila
- Published on September 9, 2025
- by @peoplesbalita
PINASINAYAAN na ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang kauna-unahan at bagong Cardiovascular Catheterization laboratory o CATH Lab sa Ospital ng Maynila Medical Center.
Ayon kay Mayor Isko, na simple lang ang layon ng bagong public health facility .
Ang nasabing pasilidad na magbibigay ng life-saving heart procedures ay libre para sa mga residente ng lungsod .
Ito ay binigyan ng lisensya ng Department of Health (DOH) noong January 7, kung saan maaring suriin at gamutin ang isang pasyente na may cardiovascular disease na walang surgery.
Ang Angiograms sa pribadong hospital ay nagkakahalaga ng P58,000 habang aabot naman sa mahigit P300,000 ang angioplasty .
Makakatuwang ng lungsod ang mga eksperto mula sa PGH at Philippine Heart Center sa operasyon ng pasilidad.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ito ay isang makabuluhang hakbang para sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
“Today is the start of a long journey, because we are going to deliver angiogram, and hopefully later on, magkaroon tayo ng angioplasty,” sabi ni Domagoso .
Dagdag pa na ang laboratory ay bahagi ng mas malaking vision na kabilang sa pag-convert sa lumang Ospital ng Maynila sa bagong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Academic Building for Health Sciences. (Gene Adsuara)