• October 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan, nakatanggap ng pagkilala mula sa DSWD-NCR

NAKATANGGAP ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan mula sa Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR), sa ginanap na Year-End Consultation Dialogue and Program Implementation Review in the Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) CY 2026. 

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Along Malapitan ang Caloocan City Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa patuloy na pagpupursigi nito upang maitaguyod ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng mga indigent senior citizens at sa maagap na paghahatid ng social pension at mga benepisyong nararapat para sa kanila. 

Pangako ng alkalde sa mga senior citizen sa Caloocan na makakaasa sila sa tuloy-tuloy, at mas pinabilis na paghahatid ng mga serbisyo para sa kanila. 

(Richard Mesa)