Bawas singil sa bayarin sa mga paliparan, ikinukunsidera ng DOTR
- Published on March 12, 2026
- by @peoplesbalita
IKINUKUNSIDERA ng pamahalaan na ibaba ang mga bayarin sa nga paliparan sa buong bansa para makatulong na mapanatiling matatag ang singil sa pamasahe sa eroplano sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa panahon ng Holy Week.
Ayon sa Department of Transportation, bahagi ito ng mga hakbang na iniutos ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. upang mabawasan ang matinding epekto ng tumataas na presyo ng gasolina.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez na isinasaalang-alang nila ang pagbabawas ng ilang bayarin sa paliparan dahil sa inaaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Holy Week.
Kabilang na dyan ang landing at take off fee na ipinatutupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
“Una, may mga pagpupulong kami with the airlines natin. Alam din po namin na talaga maapektuhan sila dito and we’re thankful that they’re still holding on. Ganoon pa man, we have to do some mitigating measures also. Not for the airlines necessarily, but more so dun sa epekto sa mga pamasahe sa airfare ng mga gustong bumiyahe,” ayon kay Lopez.
Hindi pa masabi ng Kalihim kung magkano ang maaaring ibaba sa mga bayarin pero ito aniya’y pinag-aaralan na ng DOTR
Ang anumang mabubuong proposal ay ipiprisinta aniya sa board para paaprubahan at posibleng makapaglabas sila ng desisyon para sa posibleng adjustment sa pamasahe sa susunod na linggo.
“So isa sa mga tinitingnan namin sa CAAP, ‘yung ating aviation authority, kung pwede ba namin ibaba ‘yung mga ibang fees. Landing fees, take-off fees, yung mga sa tingin namin na kaya naman namin i-adjust. And that will, I think, that will ripple down doon naman sa airfare. At least may stabilize namin kahit pa paano,” dagdag pa ng opisyal
Nauna nang ini-anunsyo ni Pangulong Marcos ang ilang mga hakbang ng gobyerno para bawasan ang matinding epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng nangyayaring krisis sa Middle East. (Daris Jose)
NEWS 2 ( PHOTO ATTACHED)
Mayor JRT, namahagi ng hard hats sa mga mag-aaral
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang ceremonial turnover ng hard hats para sa mga mag-aaral sa Navotas City bilang bahagi ng mas pinaigting na paghahanda nito sa mga sakuna tulad ng lindol.
Ani alkalde, naniniwala siya na ang kahandaan ay nagsisimula sa kaalaman at tamang kagamitan. Sa pamamagitan aniya ng mga ganitong hakbang, mas natutulungan maging handa at manatiling ligtas ang mga kabataan sa oras ng emergency.
Dagdag niya, patuloy ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang upang matiyak na ang bawat sektor ng komunidad, mga bata, pamilya, at buong pamayanan ay handa at protektado sa panahon ng sakuna.
Layunin aniya ng programa: NavReady — Handang Pamilya, Matatag na Lungsod. (Richard Mesa)