• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 11:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batas kulang para parusahan sumisingit sa bakunahan kontra COVID-19

Kung ang Malacañang ang tatanungin, hindi sapat ang mga kasalukuyang umiiral na batas para mapatawan ng parusa ang mga lumalaktaw sa priority list ng gobyerno pagdating sa mga pagpapaturok ng gamot laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos uminit ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga non-healthcare workers na nagpapaturok agad ng bakuna kahit hindi naman kasama sa A1 priority list ng gobyerno.

 

 

“Kung ang mga nag-skip [ng priority] line ay taong gobyerno, meron po tayong tinatawag na [Jovito] Salonga Law, ‘yung code of ethics for all public officers,” ani Roque, Huwebes.

 

 

“May mga probisyon doon na pwedeng malabag. Hindi naman siguro po pagtatanggal agad, pero meron pong corresponding parusa ‘yung ating Salonga Law, although it is a code of ethics.”

 

 

Kagabi nang paringgan ni Digong ang aktor na si Mark Anthony Fernandez, na una nang naibulgar na nagpabakuna ng AstraZenca sa Lungsod ng Parañaque. Labas diyan, ilang mayor ang binigyan ng show cause order ng DILG para magpaliwanag matapos magpaturok din.

 

 

Una nang idinahilan ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez ang pagpapaturok kay Fernandez dahil sa “quick substitution list,” bagay na nagpapahintulot magturok sa non-A1 priority kung umatras ang healthcare worker na dapat tumanggap nito. Dagdag pa niya, may comorbidity ang aktor gaya ng “depresion at hypertension” kaya inuna siya. (Daris Jose)