Anak na si Ynna, makikipag-collab sa Maddox Jewelry…NADIA, nag-react sa post ni BARON kasama si SOPHIA dahil ang ganda ng timing (ni: ROHN ROMULO)
- Published on August 1, 2026
- by Francis Paolo Torres
ISANG taon din palang tumira ang anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Montenegro sa bahay ng aman nitong si Baron Geisler.
Pero pinabalik na ni Nadia si Sophia sa kanilang bahay, matapos malamang may mga personal na problema ang aktor.
Sa naging interview kay Nadia ng ilang members ng entertaiment press sa naganap na successful na “Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026” noong July 30 sa EDSA Shangri-la Hotel…“For one year nandoon ‘yung anak ko sa kanya, then ‘yun medyo namomroblema na sila, may mga problems na sila sa family,” pahayag ni Nadia.
“Siyempre I pulled out my child, inalis ko ‘yung anak ko doon kasi ayoko naman maano rin, nag-aaral si Sophia. Mabuti nang maayos na muna nila mamaya nakakabigat din ‘yung anak ko, naiintindihan ko ‘yung mga ganon.”
May problema daw ngayon ni Baron at ng asawa nitong si Jamie Evangelista, na nagsiwalat na bumabalik sa mga dati nitong bisyo. Na sinabihan na maghanap ng sponsors para sa pagpapa-rehab.“Na-pull out ko na si Sophia February pa. Matagal nang wala si Sophia sa kanya. Pero ‘yung relationship nilang mag-ama, secure naman ako dun,” panimula niya.
“Alam ko naman na hindi naman niya siguro i-dadamay ‘yung anak ko.
“‘Yun lang naman ang text ko sa kanya, ingatan mo si Sophia. Huwag mong idamay sa gulo niyo. At huwag mo siyang gagamitin sa mga, kung anu-anong mga problema.
“So, very honest naman ako sa kanya, although hindi niya nga ako sinasagot,” pahayag pa ni Nadia.
Mensahe niya kay Baron, “I wish him well. Ayoko lang madamay si Sophia. Nahe-hurt din ‘yung bata kasi tatay niya ‘yon.”
Samantala, nag-react din si Nadia sa pagpo-post ni Baron sa social media recently ng litrato nila ni Sophia.
Bahagi ng caption ng aktor, “Mahal kita anak ng sobra! [red heart emoji]”
“Ang akin lang sana, maraming oras na sana ipinost ‘yung anak ko na magkatabi sila. Ganda lang ng timing. Ganda ng timing.
“‘Yung minsanan lang na moments nila na magkasama…kasi hindi lang naman ako, maraming makaka-misinterpret,” paniwala pa ni Nadia.
Kasama pala ni Nadia na nanood ng Maddox fashion show ang daughter na si Ynna Asistio bilang suporta sa Maddox owner na si Ms. Charo Cordial.
Ang negosyo rin ni Ynna ay diamonds, kaya soon ay magkakaroon sila ng collab at kaabang-abang ito.