• November 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sa sampung sinabi, labing-isa mali’ reaksyon ng mambabatas sa Spokesperson ni VP Sara

ITO ang reaksyon ni House prosecutor, Manila Rep. Joel Chua kaugnay sa show-cause order ng senate impeachment court order sa spokesperson ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo na magpaliwanang sa kanyang mga naging pahayag ukol sa mga senator-judges.

Naniniwala pa ang mambabatas na ang mga pahayag nito laban sa mga senator-judges ay para i-divert ang atensiyon mula sa mga butas sa ebidensiya ng depensa.

“So masyado siyang maraming issue na binabato na sa tingin namin para lamang ma-cover up ang mga pagkukulang ng defense sa kanilang mga testigo,” ani Chua.

Una dito, isinulong ni Senator-judge Erwin Tulfo na magpalabas ng show-cause order para sa naging pahayag ni Panelo na inaprubahan ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero kasabay nang pag-atas sa clerk of court na mag-isyu ng order.

Ang direktiba ay mag-aatas kay Panelo na magpaliwanag para sa mga ginawa niyang pahayag.

Hindi naman nangangahulugan na ang kautusan ay magdedeklara sa kanya na guilty ng contempt.

(VINA de GUZMAN)