• November 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rhenz Abando nasa option na ni Cone para isabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers – SBP

IBINUNYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na naging pangunahing opsyon talaga ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Rhenz Abando na makasama sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay SBP executive Director Erika Dy, na mayroong laging short list na manlalaro si Coach Tim.

Sakaling hindi puwede na makapaglaro ang nasa listahan ay mayroon agad itong mabilis na mahuhugot.

Nanguna si Abando sa listahan nina Cone at mga coaching staff ng Gilas Pilipinas.

Kapalit ni Abando sina Carl Tamayo at Calvin Oftana na hindi makakapaglaro sa torneo na gaganapin sa Malaysia.

Si Tamayo kasi ay mayroong ankle sprain injury habang ang asawa ni Oftana ay nakatakdang manganak na.