• November 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cong. Erice, naghatid ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Caloocan 

PINANGUNAHAN ni 2nd District Congressman Egay Erice, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paghahatid ng Family Food Packs at Sleeping Kits sa 28 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 7, Caloocan City.

Makatatanggap din ang bawat pamilya ng ₱5,000 financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD upang makatulong sa kanilang mga agarang pangangailangan.

Sinabi ni Cong. Erice na sa gitna ng pagsubok ay patuloy niyang inilalapit ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan at nawa’y maging dagdag-lakas ang pagkakaisa sa kanilang pagbangon at muling pagsisimula. (Richard Mesa)