• November 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa imbitasyon na rin ni PBBM:Pangulo ng Brazil, nakatakdang bumisita sa Pilipinas

NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas si Brazilian President Luiz InĂ¡cio Lula da Silva para sa isang state visit kasunod na din ng una ng naging imbitasyon dito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa darating na Nobyembre 14 hanggang 15 ang state visit ni President Da Silva na sinasabing kauna-unahang pagkakataon na bibisita sa bansa ang isang nakaupong Pangulo ng Brazi

Sinasabing, layon ng pagbisita ng Brazilian leader ang higit pang palakasin ang bilateral relations o ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at ng Brazil , gayundin ang pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan.

Inaasahan naman na pagtutuunan ng pansin ng dalawang lider sa kanilang pagkikita sa Malakanyang sa susunod na linggo ay ang pagtutulungan sa larangan ng agrikultura, enerhiya, agham at teknolohiya gayundin ang ukol sa depensa.

Maliban sa State Visit, inaasahang didiretso na rin ang Brazilian President partisipasyon nito sa Plenary Session ng ika-49 na ASEAN Summit bilang Guest of the Chair, sa paanyaya ng Pilipinas bilang tagapangulo ng regional bloc. (DARIS JOSE)