Year-end bonus, cash gift ng government workers ibibigay ngayong Nobyembre
- Published on November 9, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGLAAN ang pamahalaan ng P82.9 bilyon para sa year-end bonus at cash gift ng mga empleyado ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa naturang halaga, P73.4 bilyon ang inilaan para sa year-end bonus at P9.5 bilyon naman para sa P5,000 cash gift ng bawat kwalipikadong kawani.
Ayon kay DBM Secretary Kim Robert De Leon, dapat matanggap ng mga empleyado ang kanilang bonus na katumbas ng isang buwang basic salary, kasama ang cash gift, kasabay ng unang suweldo sa Nobyembre.
Upang maging kuwalipikado, kailangang nakapaglingkod ang kawani ng hindi bababa sa apat na buwan o kabuuang 120 araw mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2026. ( DARIS JOSE)