Mga hakbang at preparasyon ng gobyerno sa El Niño dapat tukuyin kung sapat , mungkahi ng mambabatas
- Published on November 5, 2026
- by Francis Paolo Torres
PERSONAL na nagmungkahi si Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa House Committee on Agriculture and Food na tukuyin ang mga hakbang at preparasyon ng gobyerno sa El Niño at kung sapat ba ang tulong sa mga malubhang maapektuhan na magsasaka at namamalakaya.
Ayon kay Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, chairman ng nasabing komite, personal siyang inatasan ni Dy matapos maghain ng resolusyon si Sultan Kudarat Rep. Bella Vanessa Suansing na pinasisiyasat ang preparasyon ng gobyerno at pagtugon sa peligrong dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
“This resolution highlights alarming developments across our agricultural sector that demand urgent legislative oversight. I wish to emphasize that this inquiry is conducted upon the personal instruction of the Honorable Speaker Faustino Bojie III to ensure that allocated public funds and relief budgets are fully, transparently, and directly implemented for severely hit beneficiaries,” sinabi ni Enverga.
“While we acknowledge the Department of Agriculture’s proposed 61.99 billion consolidated action plan to mitigate the impacts of El Niño events, our duty in Congress is to ensure the strategy translates directly into protection on the ground,” dagdag ng kongresista.
Tinukoy ni Enverga ang ₱6.2 billion initial release sa ilalim ng UPLIFT program para krudo, fertilizer, at direct assistance sa mga magsasaka at namamalakaya.
Ayon kay Enverga, titingnan ng komite kung papaano naiparating ang pera sa mga humigit kumulang 310,000 na magsasaka at mangingisda.
Aniya, titingnan din ng committee kung papaano nakikipag ugnayan ang Task Force El Niño sa Department of Agriculture, Social Welfare and Development, at Labor and Employment, maging sa mga local government.
“Sa bawat araw na naaantala ang tulong, lalong nanganganib ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda. Hindi nila kayang maghintay sa gitna ng mga proseso at pormalidad ng pamahalaan. Kailangan nila ng agarang aksyon at konkretong tulong,” ani Enverga. (VINA de GUZMAN)