Pagturing sa kanya bilang ‘treasure in this government’, nakatataba ng puso- Castro
- Published on October 29, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAKAKATABA ng puso.
Ito naman ang tugon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang panayam nang sabihin at ituring siya ni PCO Acting Sec. Lino Cayetano na ‘treasure in this government”.
Subalit habang iniisiip niya ang salitang ‘treasure’, sinabi ni Castro na maraming treasure sa PCO dahil marami ang nagta-trabaho na hindi nakikita ng publiko dahil wala lagi sa harap ng kamera, kaya’t ang mga kasama at ka-trabaho niya sa PCO ay mga ‘treasure.’
“So iyon din ang inisip ko. Siguro, lahat din ng public servant ay maging treasure po kayo, hindi para sa pansarili lang kundi para sa mga kababayan natin kasi we’re working hindi rin para sa sarili natin kundi para sa bayan,” ang sinabi ni Castro.
Nauna rito, isang “treasure” ng gobyerno ang turing ni Cayetano kay Castro, na ipinagtanggol niya sa tanong tungkol sa palaban nitong estilo.
Sinabi ni Cayetano na wala siyang nakikitang masama rito. Ang mahalaga ay maiparating ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa at polisiya ng pamahalaan. ( DARIS JOSE)