• October 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alok ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla…P50M pabuya para sapag-aresto kay Bato dela Rosa

WALA nang special treatment si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos siyang mag-alok ng P50 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng senador at makatutulong sa pag-aresto rito.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Remulla na sapat na ang paggalang at konsiderasyong ibinigay kay Dela Rosa bilang senador, ngunit nananatili umano itong nagtatago.

“We have given him all the courtesy that could be afforded as a senator of the Republic of the Philippines, but he has shown nothing but cowardice by going into and remaining in hiding,” ani Remulla.

Sinabi rin ng kalihim na napagkamalan umano ni Dela Rosa na tanda ng kahinaan ang pagtatangka niyang makipagnegosasyon sa senador.

“It’s time for the gloves to come off. It’s time to bring just justice to his victims,” pahayag ni Remulla. ( DARIS JOSE)