Mayor Along, nag-inspeksyon sa Tala at Bagbaguin Cemetery
- Published on October 26, 2026
- by Francis Paolo Torres
BILANG paghahanda sa paggunita ng Undas, personal na nag-inspeksyon si Mayor Along Malapitan sa Tala at Bagbaguin Cemetery kasama ang mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya, upang kaagad na masolusyunan ang mga kailangang ayusin.
Ani Mayor Along, tinututukan nila ang pag-aaspalto sa mga daanan, gayundin ang paglilinis, pagpipintura, flushing operation sa mga kalsada, at pangkabuuang kahandaan ng mga sementeryo para sa mas ligtas at payapang pagbisita ng mga mamayan sa kanilang namayapang mahal sa buhay.
“Hinihikayat ko po ang lahat na makiisa sa ating lokal na pamahalaan at sundin ang opisyal na Gabay sa Undas na inilunsad natin. Basahin ang mga mahalagang paalaala sa official facebook page ng Caloocan City Government https://www.facebook.com/
Pinasalamatan din niya ang mga katuwang na tanggapan at ahensya upang sulubungin at mairaos nang maayos ang Undas 2026. (Richard Mesa)