Jersey ni Jordan naibenta sa auction ng $12.26-M
- Published on October 2, 2026
- by Francis Paolo Torres
Naibenta ang 1998 Finals Game 3 na suot ni Michael Jordan sa halagang $12.26 milyon o katumbas ng mahigit P735-M.
Ito na ang pinakamalaking halaga na naibenta sa isang NBA jersey sa kasaysayan.
Mayroong kabuuang $10 milyon na hammer price ito at dagdag na $2.26-M na buyers fee.
Nalagpasan nito ang isa pang jersey ni Jordan nasuot nito noong Game 1 ng parehas na Finals na nabili sa halagang $10.1-M noong Setyembre 2022.
Isinuot ni Jordan ang jersey noong Hunyo 7, 1998 sa United Center ng talunin ng Chicago Bulls ang Utah Jazz 96-54 na nanatiling pinakamalaking kalamangan sa kasaysayan ng NBA Finals habang ang 54 points ng Jazz ay nanatiling pinakamababang puntos na nagawa ng isang koponan sa Finals game.