ESTUDYANTE NG KIKALANG ESKUWELAHAN, NAGPAKAMATAY?
- Published on October 2, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung nagpakamatay ang isang estudyante ng isang kilakang unibersidad matapos matagpuan na nabalutan ng plastic ang ulo at may tali sa leeg sa loob ng kanyang sasakyan sa parking area ng
Dela Salle Medical Health Science Institute, Brgy. Burol Main, DasmariƱas City, Cavite Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang biktima na si alyas Gus, 24, estudyante, ng Southgrove Estate Subd, Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.
Sa ulat hinahanap ng kanyang tiyahin ang biktima dahil hindi pa ito umuuwi ng bahay
Tinangka nitong hanapin sa pamamagitan ng GPS na nakalagay sa susi ng kanyang sasakyan at dito niya natunton na ang sasakyan ng biktima ay nakaparada pa sa parking area sa loob ng unibersidad.
Dahil dito, pinuntahan ng tiyahin nito sa parking area kung saan bumulaga sa kanya ang biktima sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan habang ang ulo nito ay may balot ng plastic at tali sa leeg niya, bandang alas-9:40 ng gabi.
Ayon sa tiyahin, ang biktima ay may history ng mental illness at sumasailalim sa medical treatment.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa psa insidente.
(Gene Adsuara)