• October 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gusto munang panatilihin ang pribado nilang buhay….LOVI, ipinaliwanag kung bakit itinatago pa rin ang mukha ng kanilang anak (ni: REY PINEDA) 

IPINAGDADAMOT nga ba ni Lovi Poe ang kanyang anak sa mga netizen?Marami kasi ang naku-curious sa hitsura ng mukha ng anak nina Lovi at ng asawa nitong si Monty Blencowe.

Maraming uploaded photos sa social media ang mag-asawa karga ang anak na si Sloane, pero lahat ng kuha ay nakatago ang mukha.

Sa isang interview ni Lovi, ibinahagi nito ang dahilan kung bakit ayaw muna nilang ipakita ang mukha ng kanilang anak.

Ayon sa aktres, desisyon daw nilang mag-asawa na sadyang itago pansamantala ang pagkakakakilanlan sa kanilang anak.

Hindi naman daw nila inaalis na ilantad sa publiko ang mukha ng kanilang anak.  Darating din daw ang panahon na iyon.

Sa ngayon, gusto muna nilang panatilihin ang pribadong parte nang buhay nila.

At gusto rin daw kasi ni Lovi na maihawalay muna ang kanyang pribadong buhay sa kanyang kinamulatang buhay sa showbiz.

***                                                               

IBINAHAGI ni Vhong Navarro ang espesyal na okasyon nila ng kanyang asawang si Tanya Bautista sa pamamagitan ng pa-upload ng kanilang mg alarawan sa social media.

Ginanap ang selebrasyon sa isang mamahaling resto, upang mabigyan naman nila ng quality time ang isa’t isa.

Tinawag niya itong “double celebration”.

Una ay dahil 18 years na silang mag-partner, at ikalawa ay ang selebrasyon ng kanilang 7th year wedding anniversary.

Nag-uumapaw ang kaligayahan ng mag-asawa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mararanasan nilang mag-travel ng silang dalawa lang. 

Ayon sa komedyante, hindi naging madali ang lahat dahil sa busy schedule nito.

Pero, naisip niyang kailangan na nilang gawin iyon habang kaya pa ng kanilang katawan.

At dalangin nga nito ay maging madalas silang mag-travel at magkasama para daw mas lalo nitong maipakita ang kanyang pagmamahal at pag-appreciate sa mga panahong magkasama silang dalawa.