May rason na ma-excite sa tuwing uuwi ng bahay…BEA, inamin na mas clingy kesa sa asawang si VINCENT (ni: REY PINEDA)
- Published on August 29, 2026
- by Francis Paolo Torres
INAMIN ni Bea Alonzo na mas clingy siya kesa sa kanyang asawang si Vincent Co.
Siya raw kasi yung tipo na ma-hug, mapagmasahe, at mapagsabi ng “I love you”. Samantala, iba naman daw ang love language ni Vincent.
Mas marami raw itong act of service. Yung tipong pinagsisilbihan siya, at mahilig sa quality time na magkasama sila.
At dahil mahigit isang buwan na silang kasal, aminado ang aktres na ibayong ligaya ang idinudulot nito sa kanya.
Ngayon nga raw, mas may rason para ma-excite siyang umuwi ng bahay dahil alam niyang may isang nagmamahal ang naghihintay sa kanya.
***
TILA hindi pa nakakamove-on itong si Ryan Bang mula sa pakikipaghiwalay sa kanya ng ex niyang si Paola Huyong.
Kamakailan lang, sa isang segment ng “It’s Showtime” na “Attendance Check” hiningian ni vice Ganda ng mensahe ang ibang hosts na mag-deliver ng message sa kanilang mga ex.
At dahil nataon sa selebrasyon ng “Buwan Ng Wika” inatasan nitong i-deliver ang message sa makatang paraan.
Nung tawagain si Ryan, medyo natawa ito at biglang naging seryoso.
Madamdamin at punung-puno ng emosyon ng basahin nito ang kanyang mensahe. “Ako ay may dating kasintahan. At dati kaming nagmamahalan. Pero ‘di pumayag ang tadhana. Kaya’t ‘di kami nag-tuloy sa dambana.”
Mas lalong nagpakita ng matinding emosyon ang mainstay host, kaya’t pinaligiran ito ng kanyang mga kapwa co-host at niyakap.
Kilala si Ryan bilang isang energetic personality, yung humor niya at yung abilidad niyang mag-entertain ng mga audience.
Kung inyong matatandaan, engaged na sana sina Ryan at Paola.
Subali’t sa ‘di maipaliwanag na dahilan, naudlot iyon at nauwi sa hiwalayan.
Aminado naman ang komedyanteng host na masaya siya ngayon bilang single.
Sa kanyang mga pinagdaanan marami raw siyang natutunan kung pakikipagrelasyon ang pag-uusapan.